
Paano mo mararamdaman muli ang tunay na ligaya kung ang taong tanging dahilan nito ay wala na? Ang hirap isipin kung paano muling makararamdam ng tunay na ligaya kung wala na siya na nagbibigay nito sa akin. "Nararamdaman ko Isa.. Mahal mo pa rin ako kasabay ng pag agos ng mga luha sa mata nito.. kitang kita ko iyon sa gitna ng dilim at liwanag ng buwan, sa lakas ng agos ng tubig sa fuente na sinabayan nang lakas ng kabog ng dibdib ko ay ang paglakad ko papalayo sa naghihinagpis na si Valentin. Ang lalaking tanging minahal ko.. tanging minamahal ko.. Tunay na traydor ang puso ko ngunit traydor rin pala ang mga mata ko sapagkat sunod sunod ang patak ng mga luha mula rito.. Kahita rin ako.. Isang pagkakataon lang.. Pakinggan mo naman ako.. Luluhod ako sa harap mo ngayon kung iyon ang nais mo.. Pakinggan mo lang ako.. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko simula nang mawala ka.. mawala ang mga liham mo.. mawala ang pagmamahal mo.." unti-unti itong lumuhod sa na anong pigil ko sa mga ito ay patuloy pa rin silang tumitibok at pumapatak. Bakit ba ang hirap sa aking hayaan na lamang ang sariling damdamin na mangibabaw.. Na kung nais kong magmahal ay magmahal na lamang ako.. na kung nais kong umiyak ay umiyak na lamang ako.. Bakit ba lagi kong pinipilit ang sarili ko sa mga bagay na gusto ko ngunit alam kong mahihirapan lang rin ako. Mahihirapan lamang ako dahilan na may mga tao akong masasaktan kaya mas pipiliin kong ako nalang huwag lang sila, huwag lang ang aking pamilya...All Rights Reserved