Lessons From The Margin- An Inspirational Book
Minsan, pinaparamdam ng buhay na parang left behind tayo-parang extra sa isang pelikula. 'Yung tipong nandiyan ka, pero parang walang nakakapansin.
Parang margin sa isang picture-nandoon, pero hindi talaga tinitingnan.
Ang librong ito ay para sa mga taong nakaka-experience maging background character sa sarili nilang story. 'Yung pakiramdam na parang hindi ka nakikita ng pamilya, nale-left out ka ng mga friends, at hindi napipili sa love. 'Yung may mga gabi na napapatanong ka sa sarili mo kung may value ka ba talaga, kung may lugar ka ba talaga sa mundo, kung magiging enough ka ba balang araw?
Pero ito rin ay kwento ng paglalakbay-mula sa lungkot at self-doubt, papunta sa unti-unting paghilom. Isang proseso ng pagtanggap, pag-intindi, at pagmamahal sa sarili.
Hanggang sa dumating ka sa realization na hindi ka talaga ginawa para manatili sa gilid.
Hindi ka margin.
Hindi ka outcast.
Hindi ka unchosen.
Isa itong paalala na habang pakiramdam mo invisible ka, may halaga ka pa rin. Kahit pakiramdam mo binabalewala ka, sapat ka. Kahit hindi ka palaging pinipili, karapat-dapat ka pa rin.
Dahil kahit anong rejection pa ang iparamdam ng mundo, you were never meant to stay in the margins.
You deserve to be seen.
You deserve to be heard.
At higit sa lahat, you deserve to be loved.