
"Sa lilim ng dantaon, may mga pusong naglaban - hindi lamang para sa pag-ibig, kundi para sa kalayaan." 1897. Sa isang hacienda sa gitnang Luzon, nakatira si Simeona "Moná" Talavera - anak ng isang Kastilang haciendero at isang Filipinang ilustrada. Lumaki siya sa marangyang tahanan, ngunit hindi kailanman naging malaya. Sa bawat pag-ikot ng abaniko, sa bawat sermon ng ama, ay ang paalala na hindi siya kailanman magiging ganap na kanila... o atin. Habang naglalagablab ang digmaan sa labas ng kanilang bakuran, may lihim na gumuguhit sa puso ni Moná: ang lalaking may matang tulad ng gabi at ngalan na binubulong lang sa dilim - Leoncio Agustin Silvestre, isang lalaking mula sa lahi ng mga magsasakang lumalaban. Isa siyang rebelde, isang anino ng gubat, isang lihim na patak ng dugo sa kasaysayan. Ngunit sa bawat pagtatagpo nila ay ang tanong: Paano ka iibig kung ang iyong mundo ay may tanikala? At paano ka lalaya kung ang puso mo'y bihag ng kaaway?All Rights Reserved
1 part