Started: July 22, 2025
Ang sabi nila, to forgive is to give four times: to give up pride, to give up selfishness, to give another chances, and to give Jesus. Madali kung titingnan ngunit kay hirap na kung gagawin dahil hindi lahat ng sugat, nakikita, iyong iba nasa loob, mas malalim, mas mahirap gamutin.
Life is hard but it's easy to be strong. Bata pa lang kasi si George ay tinuruan na niya ang puso na maging matigas at mag walang imik sa lahat ng bahay, lalo na kapag patungkol sa kaniyang ina na piniling iwan siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakabangon sa sakit at pinili niyang magpakatatag at mabuhay para sa sarili at para sa mga pangarap ng kaniyang lola. Then he met Vien, who became his constant and taught him that life is full of joy-na marami pang pwedeng ipagpasalamat sa buhay.
"Nagiging mahirap ang pagpapatawad dahil ikaw mismo ang nagkukulong sa sarili mo sa nakaraan. Pero kung hahayaan mo ang sarili na palayain ka sa sakit ng nakaraan at hayaan ang sariling maging maligaya mas madali mong maiintindihan ito...."
Ngunit, paano kung siya naman ang maligaw at mabulag sa buhay na hindi niya ginusto at maging sanhi upang mamatay ang liwanag na kanilang minsan tinahak? Matatawag pa nga ba itong kaligayahan kung pareho na silang hindi masaya...
Alle rechten voorbehouden