Hindi ko na kaya.
Gusto ko mang magpakatatag, gusto ko mang ngumiti kahit pilit- pero wala na. Para akong pinupunit. Wala akong makapitan, at siya? Siya pa rin ang hinahanap ng puso ko kahit ako na yung iniwan.
"Anong mali sa'kin?" Tanong ko habang pinipilit punasan ang luha ko, pero wala, ayaw tumigil. Tuloy-tuloy lang. "Bakit... bakit siya yung hindi ko kayang kalimutan? Bakit kahit gaano siya kasama sa paningin ng iba, siya pa rin ang mahal ko?"
Hinawakan ako ni Jona sa balikat habang si Caleb binigyan ako ng tubig. Pero wala namang makakabawas sa sakit na 'to. Ang hirap kasi... ang hirap kapag alam mong ginawa mo na lahat, pero hindi pa rin sapat.
"Maybe he never really loved me the way I loved him," bulong ko, sabay takip ng mukha ko sa palad. "Pero bakit ganito? Bakit siya pa rin? Bakit kahit anino niya sinusundan ko pa rin?"
Tahimik lang sila. Walang gustong magsalita, siguro kasi alam nilang kahit anong sabihin nila, hindi nito matatanggal yung bigat. Ang totoo, ayokong marinig ang "you deserve better." Kasi hindi ko siya kayang palitan. Hindi ko siya kayang bitawan.
Ang masakit, kahit sinasaktan niya 'ko sa di niya pagbalik, ako pa rin yung humahabol.
"I hate that I still love him," I whisper, breaking again.
At sa gitna ng iyak ko, ng sakit ko, ng pighati ko-isang pangalan lang ang tinatawag ng puso ko: Lander.
18+
Ang dalawampung anyos na dalagang si Stella ay lumaki sa isang pamilya na relihiyoso. Ang kanyang ama ay isang inhinyero, samantalang ang kanyang ina ay isang accountant na tumigil na sa pagtatrabaho, upang itinuon ang oras sa pagiging Pastora sa simbahang itinayo ng kanyang kapatid na si Pastor Rafael.
Maging si Stella ay walang mintis sa kanyang paglilingkod sa Diyos na kanilang sinasamba. Marami siyang natutunan sa simbahan--mga aral tungkol sa pananampalataya, buhay, at pakikitungo sa kapwa.
Ngunit, sa kabila ng kabanalan ng lugar na iyon, doon din siya unang namulat sa makamundong pagnanasa. Sa simbahang pag-aari ng kanyang tiyuhin, unti-unti niyang nadama ang init at tukso ng laman. Dito niya natutunang umibig at makipagniig sa isang lalaking doble ang edad sa kanya.
Started: 06/06/24
Ended: 07/14/24