Isa lang naman ang rule ni Alliah. Huwag na huwag maiinlove sa tropa. Natuklasan niya kasi kung paano sinira ng pag-amin ang pagkakaibigang pinatatag ng mahabang panahon.
Then he came, Cayden - the boy who never cared about what people thought, who made her laugh even at his corny jokes, and her constant. Cayden Delos Reyes- her gay best friend.
And while Cayden told the world who he was, Alliah kept one thing hidden-her feelings for him. Hindi niya nasunod ang rule na ginawa niya.
"Mahal kita."
Mga salitang kinakatakot niya na malaman ng kaibigan niya. Two words and once she said it there's no turning back. Kailangan niyang harapin ang consequence na ito. Dalawa lang ang pwedeng mangyari: masira ang pagkakaibigan nila o mas lalalalim ang relasyon nila.
So she writes - in silence, in secret, in a diary full of words she'll never say.