BOOK #1
LUJILLE FAYE ARGONITAS
Tatlong magkaibigan. Isang lumang simbahan. Isang lihim ng nakaraan na maaaring lamunin ang kanilang kasalukuyan.
Nagsimula lang ito bilang isang simpleng school project-ang pagsasaliksik sa kasaysayan ng isang lumang simbahan sa isla ng Bacsal. Ngunit ang kanilang pagtuklas ay nagbukas ng pinto patungo sa isang panahon na hindi nila inaasahan: ang panahon ng mga Kastila.
Habang tumatagal ang kanilang pananatili roon, unti-unting nabubunyag ang mga dahilan ng pagkakatayo ng simbahan, kasama ang mga lihim na mahigpit na itinago sa loob nito.
Isa sa tatlong napadpad sa nakaraan ay si Faye-isang party girl na sanay sa kalayaan, ligaya, at kaartehan. Ngunit sa panahong mahigpit ang lipunan at ang tanging inaasahan sa babae ay kahinhinan, kaya ba niyang makisabay sa mundong salungat sa kanyang pagkatao't kinasanayan?
Ano nga ba ang magiging papel niya? Tagapagligtas ng nakaraan-o isa sa mga dahilan ng pagbagsak nito?