Habang naglalakad si Warren sa isang park, kung saan naghahanap siya ng inspirasyon para sa kaniyang portfolio sa kaniyang subject, nagmamasid na siya sa kaniyang paligid. Hindi talaga siya makahanap nang magandang konsepto para sa kaniyang portfolio na kailangan nang isumite sa nalalapit na deadline.
Kinuha niyang kamera at tinignan niya ang mga nakuhang larawan. Wala talaga siyang mapili sa mga ito at napapangitan pa siya sa kaniyang mga kuha. Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Huminto siya sa may fountain at sumuko na ito. Tumingin ulit siya sa kaniyang kamera at wala talaga itong mahanap na magandang larawan. "Last na 'to. Iikot ako at kung anong makuha ko ay iyon na ang pipiliin ko." Aniya niya sa kaniyang sarili.
Inihanda niya ulit ang kamera para kumuha ng larawan at nagsimula siyang umikot. Dahan-dahang itong umikot at bigla siyang napahinto, isang babaeng nakaupo sa bench habang umiiyak. Ibinaba niya ang kamera at lumapit siya dito.
Ngunit habang papalapit siya ay naaaninag niya ang mukha nito. Nagulat siya nang makita niya ang buong mukha ng babae, ang childhood bestfriend niyang hindi nagparamdam simula no'ng araw ng kanilang pag-alis nang hindi alam ang dahilan.