Sa gitna ng digmaan noong dekada '40 sa Kabankalan, isang pangakong binitawan-bubuuin muli ang pag-ibig kahit matapos ang buhay.
Si Amador Cipriano, isang sundalong lumalaban para sa bayan, at si Eufemia Ortiz, dalagang pinili ang manahimik sa gitna ng kaguluhan, ay pinagtagpo ng panahon at pinaghiwalay ng trahedya. Sa huling halik at panata, sila'y nangakong muling magkikita... kahit sa ibang buhay.
Makalipas ang ilang dekada, sa abalang lungsod ng Maynila, muling nagtama ang landas nina Ynez Casiño, isang nursing student na binabagabag ng mga panaginip na hindi kanya, at ni Atty. Santino Najera, isang abogadong tila may pamilyar na lungkot sa mga mata.
Habang dumarami ang pagkakataong tila itinakda ng tadhana, mabubuksan ang mga alaala ng isang buhay na matagal nang lumipas. At sa bawat pagkikita, mas lalalim ang tanong:
Paano kung ang puso'y hindi kailanman nakalimot, kahit ang isipan ay wala nang maalala?
"Two lives. One promise. Endless longing."
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category"
Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama.
Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo?
Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig?
Started: December 31, 2020
Completed: August 9, 2021