Ayaw niya sa probinsya. Ayaw niya ng labahan. Pero bakit parang gusto na niyang tumira... basta andun si Nix?
Sophia De Guzman is your classic city girl: sanay sa aircon, milk tea, at walang kahirap-hirap na buhay. Pero nang ipadala siya sa probinsya para "matuto ng disiplina," buong akala niya kalbaryo ang hihintayin sa kanya.
Ang hindi niya alam, may isa siyang makaka-encounter na mas mainit pa sa araw ng tanghali sa barangay-si Nix, ang babaeng tahimik, pilya, at misteryoso. Una silang nagkainitan (literally at emotionally), pero dahil sa makulit na lola ni Sophia, napipilitan silang magkasama... madalas pa sa gusto niya.
Sa gitna ng laba, lutuan, at lakad sa kanto, unti-unti niyang nararamdaman: hindi lang katawan niya ang napapagod, pati puso niya ay napapalambot.
Anong mas mahirap labhan-ang damit na may mantsa, o pusong ayaw aminin na tinatamaan na?