Estelle, isang dalagang nangangarap na maging isang sikat na manunulat, subalit hindi sang-ayon ang ina sa kanyang pangarap. Nang isali siya sa isang patimpalak sa pagsusulat ng isang historical novel bilang kinatawan ng kanilang paaralan, karamihan sa kanyang mga kamag-aral ay nawalan ng tiwala sa kanya-sapagkat noong huling intramurals, pangatlo lamang ang kanyang naiuwing karangalan. Ayaw man niyang tanggapin ang alok, napapayag rin siya dahil sa matinding pagnanais na patunayan ang sarili sa lahat.
Aburido sa pag-iisip ng plot at mga senaryo kaya nagbakasyon sila sa probinsya ng kanyang kaibigan. Subali't sa hindi inaasahang pagkakataon, isang aksidente ang nangyari na siyang nagdala sa kanya sa isang lugar at panahon ng mga lumang kasuotan, lumang paniniwala, at mga salitang tila hango pa sa lengguwahe ng mga conquistador.
Sa pagbabalik sa panahong iyon, dala niya ang isang lihim na misyon na hindi lamang para sa pangarap ng isang tao kundi para rin sa kanyang sariling hinaharap. Siya ay magsusulat sa panahong hindi pa tanggap ang tinig ng mga tulad niya. Sa panahong ang salita ay maaaring mawala, mapunit, o sunugin.
Magwawagi kaya ito sa kanyang misyon? Matatapos niya kaya ang sinimulan niyang kwento kung kaunting oras lamang ang nakalaan sa kanya? O muling mauuwi sa abo ang lahat ng naisulat, gaya ng dating nangyari?
Yuna awakens in a different world where high society, nobles, factions and politics among the houses prevail. She discovers that she's the only daughter of the indifferent Marquis from a novel that she reads in her previous life. As Imogene Eclair Bernstein Evensen, she will traverse the complexities of Kolberg Kingdom, along with the Rogue Prince and the Duke.
STATUS: COMPLETED