Main Character :
Ken Suson
Kat Medina
starring
Stell Ajero
Josh Cullen
Pablo Nase
Justin De Dios
Si Ken Suson ay sobrang tahimik na tao, may sariling mundo, hindi vocal sa feelings, palaging nagtatago ng emotion.. Marami itong pinagdaanan sa buhay, ang daming challenges.. nag iisa nalang din sya sa buhay dahil patay na ang kanyang mga magulang simula nung grade school palang sya, lumaki sya sa mga lolo at lola nya.. Hindi inakala na sisikat ang binata dahil sa kanyang angking talento. Napakahusay nitong kumanta at lalo na sa pagsasayaw, katunayan ay sya ang Main Dancer ng Grupong SB19, sobrang sikat na ngayon ng SB19, hindi lang sa Pilipinas kondi pati narin sa buong Mundo.
Kat Medina, Isa syang Nurse sa ibang bansa, breadwinner ng Pamilya at may Boyfriend sa Pilipinas.. 5 years na sila, ngunit hindi nya na nararamdaman ang presensya ng nobyo.. dahil LDR sila ng halos tatlong taon na.. Palagi itong nakikiusap sa nobyo na kung pwede ay bigyan ito ng pansin at kahit konting oras lamang, ngunit ang nobyo ay palagi lang sinasabing busy ito.. Ang nobyo nya ay isang sikat na Online Gamer sa Pinas.. hindi pa sila lumalaban international, dahil wala pang oportunidad.. at nag iipon pa ng lakas ang mga ito upang lumaban sa ibang Bansa. Halos wala na silang oras sa isa't isa, umaabot pa sa puntong hindi sila nagkakausap ng isang Linggo, dahil hindi pareho ang oras ng mga ito..
Ang SB19 ay may paparating na concert ngayong taong 2025, naghahanda na ang mga ito ng mga bagong kanta no para sa Simula at Wakas concert nila.. Abala ang kanilang Leader na si Pablo sa compose ng mga kanta, at isa isa nitong i aassign sa mga ka grupo.. Ganado ang lahat at excited dahil pagkatapos ng isang taon ay magkakaroon nanaman ng concert ang mga ito.. target nila ay sa Ph arena..