A Story of Second Chances
Tahimik. Nonchalant. Walang interes sa love life.
Ganito kilala si Elyseen, debate club member, honor student, at ang tipo ng babaeng walang gustong umaligid.
Pero dalawang taon na ang nakakalipas mula nang sabihin niya, out of nowhere, sa intayan ng jeep:
"Justin, gusto kita. Matagal na kitang gusto."
At doon natapos ang lahat,
ang closeness nila ni Justin, ang solid nilang apat (kasama sina Lexter at Marie), pati ang mga simpleng tawanan nila noon.
Ngayon, ibang mundo na.
Si Lexter, captain ng volleyball team, hinahabol ng girls.
Si Marie, debate partner niya at art club darling, may girlfriend na si Toppi (teammate ni Lexter).
At si Justin? Tennis club golden boy. Jolly. Charming. Parang walang nangyari.
Pero bakit...
❗ Lagi siyang nasa listahan ng mga sports clubs kahit wala siyang alam sa laro?
❗ Bakit andun lagi ang pangalan ni Elyseen, table tennis, badminton, volleyball... at ngayon, tennis mismo?
❗ At bakit si Justin ang naglilista?
Sa bawat serve, bawat practice, bawat "parinig" ni Justin, unti-unting bumabalik ang mga tanong na tinakasan ni Elyseen.
Hanggang kailan siya magbabayad sa isang sorry na hindi niya alam kung tatanggapin pa?
At kaya pa bang maibalik ng isang "lista" ang dalawang taong nawala?