Sa mundo ng argumento, sanay si Stefany Feral Infante na laging tama. Captain ng university debate team, palaban, at walang sinasanto kapag may punto siyang pinaninindigan. Pero lahat nagbago nang dumating si Solomon Silvestre Manalo-tahimik, misteryoso, pero kasing talas ng mga katwiran niya.
Pinilit nilang magkasundo sa isang laban. Hanggang sa hindi lang sa posisyon at opening speech sila nagtalo-pati puso, nadamay na rin.
Sa gitna ng tanong kung sino ang tama, may mas mahalagang tanong na kailangang sagutin:
May lugar ba ang pag-ibig sa mundong laging may panig?