
Paano kung ang lalaking minahal mo online ng maraming taon ay biglang naging kapitbahay mo? Nawala ang koneksyon ni Lilac kay Mr.Void143-ang kanyang first love-nang biglang ma-hack ang kanyang account sa Echospace. Dahil dito, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong magpaliwanag nang maayos. Sa tingin ni Lilac, inakala ni Mr.Void143 na ghinost niya ito. Kaya't ginawa ni Lilac ang lahat para hanapin ang kanyang first love ngunit walang nangyari. Pagkatapos ng ilang taong paghahanap kay Mr.Void143 pero bigo pa rin, napagod na rin si Lilac. Kaya nang maaprubahan ang petition niya papuntang Amerika, napagdesisyunan nitong kalimutan na siya at mag-move on. Bagong bansa, bagong buhay, bagong simula. At sana... bagong puso rin, na makakalimot sa kanya. NGUNIT sa hindi inaasahang pagkakataon, ang bagong kapitbahay pala niya... ay walang iba kundi si MR.VOID143!! Umasa si Lilac na ito na ang pagkakataon para magpaliwanag... NGUNIT may problema si Mr.Void143 - hindi siya kilala! Iba rin ang ugali nito: malamig, snob, at masungit. Ibang-iba siya sa sweet na lalaking nakilala niya online. Pero si Lilac, determinadong ipaalala ang kanilang pinagsamahan at ipaliwanag kay MrVoid143 ang tunay na dahilan ng kanyang biglaang pagkawala. At higit sa lahat, gusto niyang malaman-bakit ganito na siya ngayon? Bakit parang nagpe-pretend siyang hindi siya nito kilala... Gayong dati, siya lang ang mundo nila.All Rights Reserved
1 part