Between The Lines
Si Avery Lim ay isang elite student-athlete at future lawyer na nasa kaniya na ang lahat-yaman, talino, at looks. Pero pagdating sa pag-ibig, sa IG Notes lang siya nakakahanap ng lakas ng loob para magparinig.
Si Reese Morente naman ay isang hardworking Accountancy student at breadwinner. Ang tanging "formula" na alam niya ay kung paano pagkasyahin ang sahod niya para sa pamilya. Wala sa audit plan niya ang mainlove, lalo na sa isang katulad ni Avery.
Sa pagitan ng mga cryptic IG notes, law books, at accounting ledgers, paano mahahanap ng dalawang magkaibang mundo ang tamang balanse?