Please Don't Disappear Frezila
58 parts Ongoing Mature"Kung ang pagiging peryodista ay nangangahulugang mamuhay sa takot... ano ang halaga ng katotohanan kung kapalit nito'y sariling buhay?"
Para kay Keifer del Pilar, ang pamamahayag ay larong pampalipas-oras lamang. Isang estudyante ng turismo na walang pakialam sa pulitika, itinuring niya ang The Sculptor bilang isang walang saysay na pahayagan.
Ngunit may ibang plano ang tadhana.
Sa isang hindi maipaliwanag na pagkakataon, nagising si Keifer sa taong 1975 sa pusod ng Batas Militar, bilang kasapi ng The Sculptor, isang lihim na pahayagang pangmag-aaral sa Don Anuñuevo State College.
Ang tinutukso niyang mga tinta noon ay naging sandata. Ang mga larawang dati'y kinukutya niya, ngayo'y nagsisiwalat ng kalupitan.
Sa halip na baril, typewriter ang kanyang tangan. Sa halip na bala, tinta ang kanyang panangga. Nasaksihan niya ang tunay na halaga ng kalayaan sa pamamahayag-isang digmaan ng diwa laban sa dahas.n
At sa likod ng pangamba, curfew, at mga lihim na pagkilos, natagpuan niya ang pag-ibig.
Ngunit sa panahong ang katotohanan ay pwedeng ikamatay... sapat ba ang pag-ibig upang lampasan ang digmaan?
"Kung ang pagiging peryodista ay mamuhay sa takot... ano ang halaga ng katotohanan kung kapalit nito ay sariling buhay?"
Paggawa ng konsepto: Setyembre 21, 2024
Sinimulang magpublish: Pebrero 17, 2025
Ranks:
#1 in activism
#1 in resistance
#24 in timetravel