Nakagawian na ni Emil na umakyat sa bubungan tuwing sasapit ang alas tres ng hapon, para magpalipad ng eroplanong papel-paraang pinaniniwalaan niyang maghahatid ng kaniyang mga mensahe para sa yumaong kapatid.
Lingid sa kaniyang kaalaman, may tahimik na nagmamasid mula sa bintana ng katabing bahay-ang dalagitang si Mira, na nagpapagaling mula sa kaniyang operasyon at pilit hinaharap ang takot na lihim niyang pinapasan.
Sa pagtatagpo ng kanilang mundo, ang katahimikan ay naging isang ugnayan. Sa pagitan ng mga eroplanong papel at mga salitang hindi kailangang bigkasin ng bibig, unti-unti nilang natagpuan ang kapayapaan, paghilom, at ang ugnayang pinagbuklod ng langit.
--
Please note: This is a non-romance story. Its themes center on self-reflection, healing, and human experience without a romantic narrative.