Story cover for Almost, always by yanamahal420
Almost, always
  • WpView
    Reads 45
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 13
  • WpHistory
    Time 1h 0m
  • WpView
    Reads 45
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 13
  • WpHistory
    Time 1h 0m
Ongoing, First published Aug 07, 2025
May mga tao talagang itinadhana mong makilala... pero hindi para manatili.

Sa isang daigdig na tila laging kapos sa tamang panahon, paulit-ulit silang pinagtagpo-si Drake, ang lalaking may matang laging tila may tinatagong lungkot, at si Nica, ang babaeng masyadong marunong magmahal kahit pa sinasaktan ng pagkakataon, Isang beses silang nagkita sa bus habang parehong pauwi sa magkaibang direksyon. Pareho silang haggard mula sa araw, pero hindi mapigilan ng tadhana ang pagdikit ng mga mata nila. Isang ngiti. Isang sulyap. Pero bumaba si Nica nang hindi man lang nakapagpaalam,Sa isang bookstore. Sa isang ulan. Sa isang ospital. Sa isang lamay. Iba-ibang tagpo. Iba-ibang lugar. Laging tila aksidente, pero laging may koneksyon, Pero kahit gaano pa kadalas silang pagtagpuin ng mundo, lagi rin silang pinaghihiwalay-parang may aninong pilit na humihila sa isa sa kanila palayo sa isa't isa. Minsan isang pangyayaring trahedya. Minsan isang tawag na kailangang sagutin. Minsan isang taong bigla na lang babalik mula sa nakaraan. Hanggang sa napagod na si Nica sa kakahintay. Hanggang sa nagtanong na si Drake: "Bakit hindi pwedeng sabay tayong piliin ng tadhana? Ngunit paano kung may dahilan kung bakit sila laging pinaglalayo? Isang lihim na kailangang tuklasin. Isang kasaysayang hindi pa nila alam... na noon pa pala silang dalawa magkaugnay. At kung kailan handa na silang ipaglaban ang isa't isa-doon nila maririnig ang pinaka-misteryosong sagot ng lahat."Hindi lahat ng pag-ibig, para sa ngayon.
All Rights Reserved
Sign up to add Almost, always to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] by Aristeia_Lapiz07
18 parts Ongoing
Sa isang iglap, nagbago ang tahimik na mundo ni Luxcia, isang mortal na babae mula sa karaniwang daigdig nang siya'y biglang mapadpad sa mahiwagang mundo ng Irotia, isang lupain na tanging sa mga alamat at panaginip lang umiiral. Sa mundong ito, namamayani ang mga nilalang na matagal nang nawala sa gunita ng tao. Bampira, aswang, lobo, diwata, mangkukulam, duwende, at mga elfeng mandirigma at marami pang iba. Sinasabing si Luxcia ang pinili ng kapalaran, ang tagapagligtas na tanging makapagliligtas sa Irotia at sa kanyang sariling mundo mula sa isang paparating na kadiliman. Upang maisakatuparan ang kanyang tadhana, kailangan niyang maglakbay sa pitong makapangyarihang kaharian: Vandoblade (kaharian ng gabi), Worolof (lupain ng mandirigma), Nanturia (gubat ng kalikasan), Magicolonia (kaharian ng mahika), Atlantaria (Kaharian sa ilalim ng dagat), Aerolia (Kaharian sa kalangitan), at Ferolia (Kaharian ng Apoy). Sa bawat kaharian ay nakatago ang isang Circle of Power, sinaunang kapangyarihang nagsisilbing susi upang mabuo ang isang puwersang kayang itaboy ang kadiliman. Kasama ang mga bagong kakampi at kaibigang may kanya-kanyang lihim, haharapin ni Luxcia ang mga pagsubok, pagtataksil, at ang mga misteryong bumabalot sa kanyang pinagmulan. Ngunit sa isang mundong puno ng hiwaga, sino ang tunay na kakampi? At handa ba siyang harapin ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? Tunghayan ang paglalakbay ni Luxcia sa mundo ng mahika, kapangyarihan, at tadhana.
LA LUNA SANGRE (The Blood Moon)  by mimay_jcs
128 parts Ongoing
Ipinagpapatuloy ng La Luna Sangre ang pamana ng Lobo at Imortal, na nakasentro kay Malia Rodriguez, ang anak ng makapangyarihang supernatural na nilalang: Mateo (isang bampira na may puso) at Lia (isang tagapag-alaga ng lobo). Ipinanganak sa ilalim ng isang hula sa blood moon, pinaniniwalaang si Malia ang "pinili" na nakatakdang wakasan ang paghahari ng mga masasamang bampira at ibalik ang kapayapaan sa pagitan ng mga walang kamatayang lahi. Matapos ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang mga magulang sa kamay ng maitim na vampire lord na si Sandrino, na kilala rin bilang Supremo, lumaki si Malia na itinatago ang kanyang tunay na pagkatao, inalis ang kanyang kapangyarihan at layunin. Habang lumalaganap ang kadiliman sa buong lupain, napilitan siyang bumangon bilang bagong tagapag-alaga ng pag-asa, na nagtitipon ng mga kaalyado mula sa kapwa tao at imortal. Ang kanyang paglalakbay ay nagkakaugnay kay Tristan Torralba, isang matapang at walang pag-iimbot na binata na ang nakaraan ay nasangkot sa mundo ng mga bampira nang higit pa sa kanyang napagtanto. Sama-sama, lumalaban sila hindi lamang laban sa mga pwersa ng kasamaan kundi para protektahan din ang kanilang namumulaklak na pag-ibig mula sa malupit na mga kamay ng tadhana. Sa pagsisimula ng digmaan at paglalahad ng mga tadhana, dapat harapin ni Malia ang pagkakanulo, pagkawala, at sakripisyo para matupad ang kanyang tungkulin sa isang propesiya na maaaring magligtas - o kapahamakan - silang lahat. ~~~~~~~~~~~~~~~~~♠~~~~~~~~~~~~~~~~ LA LUNA SANGRE - Fan Fiction (The Blood Moon) Written by: mimay Genre: Fantasy, Drama, Horror, Action, Romance
Cathaleya by MotonariMitsuMouri
7 parts Complete
Sa ilalim ng mapanlinlang na liwanag ng gabi, umusbong ang pangalan ni Cathaleya isang babaeng kasingganda ng bulaklak ngunit kasinglalim ng sugat na iniwan ng nakaraan. Sa bawat patak ng ulan, may kasamang paghingi ng tawad; sa bawat putok ng baril, may panata ng paghihiganti. Lumaki siya sa mga kamay ng mga madre, pinalaki sa pananampalataya, ngunit sinumpa ng kasalanan ng mundo. Ang kanyang mga magulang ay pinaslang ng mga terorista, at sa paglipas ng panahon, natutunan niyang yakapin ang dilim na minsan ay kinatatakutan niya. Sa ilalim ng alyas na "Ms. Quisto," naglakbay siya sa mga lungsod ng liwanag at kadiliman, taglay ang misyon na burahin ang mga pangalan sa listahan ng mga nagwasak sa kanyang buhay. Ngunit sa bawat pagkitil niya ng buhay, unti-unting nabubura rin ang kanyang pagkatao. Sa pag-usbong ng imbestigasyon ni Diego, isang matalinong opisyal na tila hinahatak ng tadhana patungo sa kanya, nagsimulang mabunyag ang mga lihim na matagal nang inilibing ng simbahan, ng gobyerno, at ng kanyang sariling konsensya. Habang papalapit ang dalawang kaluluwa sa isa't isa ang isa'y naghahanap ng katarungan, ang isa'y naghahangad ng kapatawaran mas lalong humahapdi ang tanong: Hanggang saan ang kabayaran ng paghihiganti, at may kaligtasan pa ba sa mga kamay ng makasalanan? Sa pagitan ng dasal at bala, ng dugo at ulan, sumisiklab ang kwento ng isang babaeng minahal ng gabi at kinatatakutan ng liwanag. Isang kwentong magpapatanong sa'yo kung sino talaga ang banal at sino ang demonyo.
TWINS FROM STRANGER by EtherealPenchants
8 parts Complete
Bakit kailangang mangyari lahat ng kamiserablehan na ito sa buhay ko? Kaylan ba ako gigising sa isang umaga na hindi iniisip ang mga masasamang mangyayari sa araw na iyon? Bakit kailangan kong mabuhay sa impyernong mundong ito at tanggapin lahat ng pasakit na kahit kaylan ay hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari sa akin? Yan ang nga tanong na nais masagot ni Alyanna Kaye Desamero habang nasa kasuluksulukan ng kadiliman ng mundo niya. Simula nang magmulat siya sa mundong ito, hindi niya kaylan man natamasa ang pagmamahal at kalinga ng isang magulang sa anak. Hindi niya naranasang maging masaya at magkaroon ng masayang pamilya. Ano bang kailangan niyang gawin para makamit lahat ng iyon? Madilim ang paligid ngunit nararamdaman niya ang init na kumakalat sa buong sistema niya. Ang init ng haplos ng isang hindi kilalang lalaki ang tanging nagbibigay sa kanya ng katiyakan na ligtas siya sa mga braso nito at walang may maaaring makapanakit sa kaniya. Ano nalang ang gagawin niya nang isang araw, nagising siyang may dalawang buhay sa sinapupunan niya mula sa isang estranghero. Paano niya bubuhayin ang nga ito kung kahit ang sarili niya ay hindi niya magawang pakainin ng tatlong beses sa isang araw? Makakaya kaya niyang buhayin ang dalawang anghel na tanging nagbibigay sa kanya ng lakas upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay na puno ng kamiserablehan? -------------------- Language: Taglish Genre: Romance Started: February 17, 2024 Finished: March 24, 2024 © EtherealPenchants © All Rights Reserved
Love At First Crush by PrincessJee
22 parts Complete
𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦 𝑖𝑠 𝑎 𝑡𝑒𝑒𝑛𝑓𝑖𝑐, 𝑒𝑛𝑡𝑟𝑦 𝑓𝑜𝑟 𝐽𝑢𝑛𝑒 𝑊𝑟𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐶ℎ𝑎𝑙𝑙𝑒𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 8𝐿𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟𝑠... {Blurb...} - Naramdaman mo na bang magkagusto sa isang lalaki? Ano naman ang pakiramdam? Kilig na kilig overload ba? Puno nang curiosity si Jesshanna tungkol sa bagay na ito. Palibhasa, since birth, hindi pa siya nakaramdam ng pagkagusto. Minsan ay nainggit pa siya sa kaibigan niyang may pinagpapantasyahan na lalaki. Kaya tamang panoonod nalang ang ferson at hinihiling na sana magkaroon rin siya ng Prince Charming. Hanggang sa isang araw ay hindi niya inaasahan na makilala ang bagong transferee sa section Rubia. Aba, isang titigan lang ay tumigil na agad ang buong mundo ng dalaga. Tabihan ka ba naman sa flag raising ceremony ng isang Earl Paul Enriquez Moon-Ang may lahing k-pop mula sa korea. Na nuknukan ng kagwapuhan at ka-hot. Idagdag pa ang nakakamatay na ngiti kapag ningitian ka niya siguradong mahihimatay ka sa kilig. Na crush siya sa lalaki. At hindi naman niya inaasahan na na-love at first sight naman pala ito sa kanya. Kaya, inspired na ang ferson. Hindi na maiinggit ang Desney Princess. Pero paano naman kung ang lalaking nagugustuhan niya ay ang magdadala sa kanya sa katotoohan tungkol sa pagkatao niya? Katotohanan na sana'y hindi nalang niya nalaman. At katotohanan na mag-iwan ng sakit sa kanyang puso. Magkakaroon pa kaya ng happy ever after ang lovestory sa lalaking first crush niya? O a happy never after nang malamang kapatid niya pala si Earl Paul. Date Written: June 01, 2024 Date Finished: July 15, 2024 ©Alright Reserved @Princess Jee
You may also like
Slide 1 of 10
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms] cover
The Secret Island cover
LA LUNA SANGRE (The Blood Moon)  cover
Silent Blades and Enchanted Charms cover
ZAYN YUN PARK/ DEATHCASE 1 cover
Maid To Be His (Under Revision) cover
Cathaleya cover
TWINS FROM STRANGER cover
Love At First Crush cover

UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1)

43 parts Complete

BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?