Sa likod ng mga marangyang buhay ng angkang Enriquez, may isang lihim na nakatago. Si Raphael Hendrix Edward Oliver A. Enriquez, ang tagapagmana ng yaman at kapangyarihan, ay dapat sanang susunod sa yapak ng kanyang mga magulang. Ngunit isang trahedya ang nagbago ng lahat. Inakala ng lahat na patay na siya, at nawalan ng pag-asa ang angkan na magkaroon ng tagapagmana. Ngunit ang katotohanan ay iba. Si Raphael ay nabuhay, ngunit hindi na siya ang dating Raphael. Siya ngayon ay si Rheo Alcantara, isang miyembro ng isang makapangyarihang grupo sa Maynila. Wala siyang alaala ng kanyang tunay na pagkatao, ngunit ang kanyang kapalaran ay hindi maiiwasan. Ano kaya ang mangyayari kapag nalaman ni Rheo ang katotohanan tungkol sa kanyang nakaraan at ang kanyang tunay na pagkatao? Magbabalik ba siya sa kanyang pinanggalingan, o magpapatuloy sa kanyang bagong buhay?
More details