Her Love, His Purpose (Fragments of Us Series #1)
2 parts Ongoing Sabi nila, kapag may gusto ka sa isang tao, dalawa lang ang choice mo: aminin mo, o itago mo. Pero si Navien? Hindi siya marunong magtago.
Alam ng lahat - mahal niya si Accius.
Sa lahat ng puwedeng mahalin, si Accius pa. Tahimik, seryoso, at tila ginawa ang puso para sa pangarap - hindi para magmahal. Pero si Navien, hindi marunong umatras. Alam niya kung sino ang mahal niya, at hindi siya natatakot ipakita 'yon.
Ang problema?
Sa mata ni Accius, hadlang ang pag-ibig.
Mas mahalaga sa kanya ang pangarap, ang pressure ng pamilya, at ang sariling layunin. Kaya kahit ramdam niyang may halaga si Navien sa puso niya... mas pinipili pa rin niyang palayuin ito.
Pero hanggang kailan?
Hanggang kailan niya kakayaning isakripisyo ang pag-ibig... para sa layuning hindi sigurado kung para talaga sa kanya?