
May mga salita tayong hindi lang basta binibigkas, kundi marapat lamang na isinasapuso - isa na rito ang Agan-anus ka. Sa isang iglap, tila simpleng paalalang "magtiis ka, magpasensya ka". Ngunit sa ilalim sa salitang ito'y mayroong nakaukit na lihim ang pagpapa-iral ng isang kakayahang manatiling matatag kahit pinipilas na ng panahon ang iyong mga pangarap. Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay na puno ng ligaya, paggawa, pagmamahal at pag-asa ngunit hindi naman na'tin maiwawaglit na ito ay hindi laging maaliwalas. May mga unos na darating nang walang paalam, at may hapdi na mananatili kahit anong gawin upang mawaglit sa iyong isipan. Ngunit sa bawat paghina ng istorya, marapat lamang na magpasensya, at isaiaip na sa bawat araw na pinipili mong manatili kahit mahirap, unti-unti mong binubuo ang iyong sarili. Sapagkat ang pagtitiis ay hindi pagpapasakop sa hirap, kung hindi ito'y pagyakap sa pag-asa. Ito ang tahimik na panalangin sa ilalim ng unos, ang lihim na lakas sa gitna ng pangungulila, at ang hudyat na kahit anong bagyo alam mo na may araw pa ring sisikat. Kahit gaano kasama ng mundo, palaging may bagong araw na darating. Palagi't palagi. At sa dulo ng lahat ng paghihintay, matutuklasan mo: ang nagtiis ay siyang tunay na nagwagi.Alle Rechte vorbehalten
1 Kapitel