
Mula nang makilala ni Valerie si JD noong fourth year high school sila ay wala na siyang ibang ginawa kundi bakuran ang lalaki sa lahat kg mga babaeng umaaligid dito. Kahit hanggang sa kasalukuyan na professional na silang maituturing ay hindi pa rin nagbabago ang set-up nila. Palagi pa rin niyang ipinagsisigawan na boyfriend niya ito. Pero hindi naman siya sinasaway ni JD sa mga ginagawa niya. Marahil ay gusto rin nito na palayain ang mga babaeng istorbo lang sa pagpapayaman nito. Isa pa ay wala naman itong pakialam sa mga babaeng nakapaligid dito. Ngunit isang araw, may isang Georgina na umeksena sa pagitan nila ni JD. Sa pagtataka pa niya ay hindi tumatanggi ang lalaki sa presenya ni Georgina. Ang babae ba na iyon ang gigising sa natutulog na damdamin ng lalaking mahal niya? Paano na siya? Paano na ang walong taong pagsinta niya para dito? Panahon na ba para isuko na niya ang matagal at malalim na pag-ibig niya para kay JD? Iyon ba ang paraan nito ng pagsasabi ng: "Basted ka na, layas na!".Todos los derechos reservados
1 parte