
Isang farm girl na kuntento na sa kanyang buhay, si Scarlatina Leal ay hindi naging handa sa mga pagbabago na mangyayari sa kanya. Nagsimula ito nang makakilala niya ang isang lalake na taga-lungsod at ibinigay niya rito ang kanyang virginity. Pero iniwan siya nito at hindi na bumalik pa. Isang aksidente rin ang nangyari dahilan na maging katulong siya sa lungsod. At ang isa sa amo niya ay ang lalakeng nang-iwan sa kanya at may tatlo pa siyang kapatid. Pagsisilbihan niya ang Gaviola quadruplets na pare-parehong may interes sa kanya. Hindi siya makapaniwala no'ng una at tumanggi siya. Pero pinagpilitan ng mga ito na pumili siya ng isa sa kanila na magugustuhan niya. Gumawa sila ng kasunduan na ide-date niya ang isa sa kanila every week. Sa takot na mawalan siya ng trabaho, pumayag na lang siya. Magiging daan ba ito para makapili siya ng isa sa kanila? O lalo lang gugulo ang lahat at hindi na siya pipili pa at gusto na silang apat na lang ang makasama niya?All Rights Reserved