The Art of Forgetting (Ravenzzo Series # 4)
Si Lauren ang tipo ng babaeng matipid sa salita, pero asahang prangka kapag nagbukas na ng bibig. Mapili siya sa mga taong pinapakisamahan dahil sa sobrang pagkamuhi niya sa mga plastic at mapagpanggap. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya ang isang transferee. Mula sa isang payapang pagkakaibigan, hindi niya namalayang nahuhulog na pala ang loob niya rito. Upang protektahan ang kanilang samahan, pinili niyang ibaon na lang ang kanyang nararamdaman.
Matapos ang kanilang pagtatapos sa Senior High School, bigla na lang naglaho ang kanyang kaibigan nang walang pasabi. Lumipas ang mga taon na walang balita, hanggang sa isang araw sa ospital kung saan siya nagtatrabaho-isang pasyente ang dinala sa emergency room. Laking gulat niya nang mamukhaan ang lalaking matagal na niyang hindi nakikita. Sa muli nilang pagtatagpo, totoo nga kayang nakalimutan na niya ang kanyang damdamin, o baka mas lalo lang itong lumalim sa paglipas ng panahon?
Start: April 11 2026
End: