Minsan, kapag pakiramdam ko na unti-unti na akong nauubos, palagi kong hinahawakan ang black-ink ballpen ko at isang pirasong papel. Kasi alam ko, kapag sinulat ko ang lahat ng nararamdaman ko, kahit papaano... maiintindihan nila ako.
Sinisigurado kong balanse ang bawat tinta ng salitang inilalagay ko. Dahil doon lang ako nakakahanap ng meaning, doon ko binubuo ang sarili kong mundo. Writing became my safe . happily-ever-afters na lagi ko lang nababasa. Pero the first time I saw her, I knew... kahit ubusin ko pa ang sampung ballpen sa pagsusulat, hinding-hindi ko matutumbasan ang pagkahulog ko sa kanya.
Simula noon, hindi na papel ang sinusulatan ko, kundi ang puso ko. Siya ang naging inspirasyon ng bawat taludtod, siya ang metaphor sa bawat tula, siya ang lihim sa bawat palaisipan ko.
And maybe... siya rin ang kwento na matagal ko nang hinahanap. Ang kwento na hindi ko kailanman kayang tapusin.