Hindi si Eliana yung tipong bida sa love story. Hindi rin siya yung laging nasa spotlight. Masaya na siya sa libro, kape, at tahimik na sulok kung saan walang istorbo. Para sa kaniya, mas madaling mahalin ang mga karakter sa pahina kaysa sa totoong tao-hindi sila umaalis, hindi sila nananakit, at higit sa lahat... predictable ang ending.
Pero gaya ng kahit anong kwento, may mga plot twist din sa buhay.
At nagsimula iyon nang dumating siya.
Hindi siya yung tipong makikita mo tapos bigla na lang boom, in love agad. Hindi gano'n. Walang fireworks o cinematic na slow motion. Isa lang siyang simpleng presensya-nakakainis sa umpisa, pero habang tumatagal, unti-unti niyang napapansin na palagi niya itong hinahanap.
At doon nagsimula ang parte ng kwento na hindi niya mababasa sa kahit anong libro. Mabagal, minsan nakakainip, pero marahil iyon ang pinaka-magandang klase ng love story.
Todos los derechos reservados