Natanaw Sa Balintataw (Viaje En El Tiempo)
May mga litratong kumukupas ngunit hindi ang ala-alang dala ng nakaraan. Sapagkat ilang siglo man ang lumipas, ang pag-ibig na naghihintay ay walang katumbas.
Cameron Chavez - Isang Photography student na may Hemophobia. Parehong doctor ang kanyang mga magulang kaya't nais din nila na maging doctor siya balang araw, ngunit ang matinding trauma niya sa dugo ang naghahadlang sa kanya upang hindi ito kunin na karera. Para kay Cameron ay may iba pang dahilan ang mga takot na nararamdaman niya bukod sa nangyaring aksidente noon. Sapagkat palagi niyang napapaginipan ang kung anu-anong masasalimuot na senaryo, na kailanman ay hindi niya pa nararanasan.
Nais niyang makakuha ng kasagutan sa kanyang mga panaginip ngunit sarado ang isip ng kanyang mga magulang sa mga ganoong bagay. Hanggang sa isang araw ay kinailangan ni Cameron na pumunta sa isang ancestral house para sa isang project. May nakita siyang lumang camera, dala ng kuryosidad ay kinuha niya iyon at sinubukang i-click. Kusa itong lumiwanag at pagmulat niya ng mata ay nasa taong 1842 na siya. Sa pagpunta ni Cameron sa nakaraan ano kaya ang matutuklasan niya?
Ano kaya ang posibleng naghihintay sa kanya? Pagsubok, pag-ibig, o panganib?
Date Started: October 15, 2025
Date Finished: