[MULA SA ARCHIVE FILE #2017-09: RESEALED EVIDENCE] PAALALA: Ang opisyal na dokumentong ito ay pinal na ibinaon sa kategoryang kontrobersyal matapos ang magkakasunod na trahedya sa hanay ng mga unang imbestigador. Dalawa ang natagpuang nawalan ng sariling mga mata, samantalang ang iba ay tuluyang nilason ng sarili nilang dugo habang isinusulat ang ulat na ito. Enero 2017. Sa paaralan ng St. Serenity, walang sinumang nakaligtas. Sa limang magkakaibigan, ang apat ay naglaho sa gitna ng brutal at walang-habas na pagpaslang, samantalang ang huling natira ay naiwang naghihingalo sa sulok ng kaniyang sariling bangungot-buhay ngunit hindi na kailanman makakatakas. Sa gitna ng dumanak na karahasan, isang natatanging ebidensya ang narekober mula sa bag ng pangunahing biktima: isang lumang talaarawan na may nakababahalang mga pahina. Ayon sa mga nakaaalam,nakakabit ito sa mga taong nawawaglit sa sariling katinuan. Bawat patak ng tinta ay may kapalit na dugo. Bawat pahina na binubuklat ay naglalantad ng walang katapusang bangungot. Habang ang oras ay tuluyang nabubura sa totoong mundo. PAALALA: Hawakan mong mabuti ang natitira mong katinuan. Sapagkat sa sandaling simulan mong basahin ang nakasulat sa lumang talaarawan... ang iyong sariling laman at buhay ang magiging kasunod nitong paglalaruan.
More details