Aleeza Beatrice is full of life. Pinangatawanan na niya ang ibig sabihin ng pangalan niyang 'Who brings the happiness'. At dahil sa promise na 'yon nagtuturo siya ng libre malapit sa Ville kung saan siya nakatira para makatulong sa mga taong walang pampa-aral sa kanilang mga anak. Her life is doing well until one day... Dumating si Owen Matthew sa buhay niya. Ang lalaking may-ari ng kinatitirikan ng kanyang mini-school. Nakatira ang lalaki sa old house sa tapat ng classroom ni Beatrice. Hindi mapigil ni Beatrice ang inis sa lalaki dahil una, palagi itong galit, pangalawa, palaging masungit, at pangatlo mukha itong ermitanyo kaya bilang ganti palihim nilang binigyan ng nickname ang lalaki na "Mr. Hermit". Pero habang dumadaan ang panahon ay nalaman niya din ang dahilan sa ganoong attitude ni Mr. Hermit. Ang tanong, is she willing to help him or not? Date Posted: November 22, 2022 Date Started: December 30, 2022 Date Ended: June 29, 2023
More details