Si Joshua Ramirez, isang tahimik at medyo mahiyain na freshman, ay handa lang sana na makibagay at makalampas sa unang taon ng kolehiyo. Palaging may dalang libro, naka-eyeglasses, at may tinatagong sikreto tungkol sa kanyang pagkatao, pinipili niyang manatiling simple at hindi pansinin.
Pero dumating si James Arvin Villanueva-isang mestizo, gwapo, athletic, at natural na karismatiko. Lahat ng tao ay naaakit sa kanyang ngiti, sa boses niyang nakakakilig, at sa presensya niyang parang laging nasa spotlight. At kasama doon si Joshua... na hindi mapigilang kabahan at kiligin tuwing malapit si James.
Habang nag-uumpisa ang kanilang buhay sa unibersidad, unti-unting natutuklasan ni Joshua na hindi pala ganun kasimple ang lahat. Ang bawat araw na magkasama sila ay nagiging laban ng damdamin-mananatili ba siyang tahimik, o susubukan niyang sumugal para sa isang pag-ibig na baka hindi naman sigurado kung masuklian?
Isang kwento ng kabataan, kilig, at mga damdaming pilit itinatago... hanggang sa hindi na kayang pigilan.
All Rights Reserved