
"I will stay in love with you for the rest of our lives. Hindi mababago ng kakaunting nadagdag na fats sa katawan mo ang nararamdaman ko." Napabungisngis si Constellation. "Malapit ko nang sagutin si Tobie, girls. Ayon sa research ko, legit Wescott siya." "Hanggang ngayon ba, mahalaga pa rin sa 'yo 'yan?" Natahimik sandali si Constellation. Gustuhin man niyang tuluyan nang ma-in love kay Tobi, nakasuksok na yata sa kukote niya na kailangang kasingyaman ng mga Primera o higit pa ang lalaking magugustuhan niya. "Paano kung hindi totoong Wescott si Tobie, hihiwalayan mo ba siya?" tanong naman ni Craze. Sigurado si Constellation na isang tunay na Wescott si Tobie. Pero kung nagkamali siya ng research, madali lang namang bitawan ang binata. Kaya tumango siya sa tanong ng kaibigan. "Dahil prinsipe lang ang nababagay sa tulad kong prinsesa." Kaya ganoon na lamang ang panlulumo ni Constellation nang malamang pekeng prinsipe pala si Tobie. He was a pauper, and when she met the real prince, she found herself torn between love and money.All Rights Reserved