A Poetry Collaboration.
Limang kulay. Limang tinig. Limang pusong sabay-sabay na naglalakbay sa pagitan ng liwanag at dilim.
Ito ang koleksiyon ng mga kulay ng damdamin- mga tula't prosa na ipininta mula sa iba't ibang paningin, ngunit iisang paglalakbay ng kaluluwa. Bawat pahina ay isang pintig, bawat salita ay isang hibla ng alaala, bawat kulay ay isang mukha ng pag-ibig, pangarap, at buhay.
Kami ang Tala ng mga Kulay-mga makatang naglalakbay sa pagitan ng liwanag at dilim, humahabi ng mga damdamin sa anyo ng salita. Sa bawat kulay na aming inilalarawan, may mga kuwento ng pag-ibig, pangarap, sugat, at paghilom.
Sa dilaw, isinusulat namin ang pag-asa-ang liwanag na nananatiling nagniningning kahit sa pinakamadilim na gabi, paalala na sa bawat pagod at sugat, may bagong umagang naghihintay.
Sa pula, ipinipinta namin ang apoy ng damdamin-ang alab ng pag-ibig na handang masaktan, ang tapang ng pusong humaharap sa pagkatalo, at ang init na bumubuhay sa malamig na kaluluwa.
Sa kahel, isinasalaysay namin ang pagsasanib ng saya at lungkot-ang kulay ng mga pagtatagpo at pamamaalam, ng mga halakhak na may kasamang luha, at ng mga panahong tinuturuan tayo ng buhay na yakapin ang pait at tamis ng bawat sandali.
Sa lila, ipinapadama namin ang pangungulila at gunita-ang mga alaala ng kahapon na kumakapit pa rin sa kasalukuyan, ang mga pusong humihiling ng isa pang pagkakataon, at ang katahimikan ng damdaming hindi na mabibigkas kailanman.
At sa bughaw, isinasayaw namin ang hangganan ng paglalayo at muling pagtatagpo-ang agos ng dagat na humahaplos sa dalampasigan ng pangungulila, ang langit na saksi sa mga pangakong hindi bibitawan, at ang pag-asang sa kabila ng distansya, may tahanan pa ring babalikan.
Maligayang paglalakbay sa mundo ng aming mga salita.
Maligayang paglalakbay sa Tala ng mga Kulay.
These poems are written by the young, curious, messy, cringe, and dramatic version of her who wanted to write just because she thinks it will make her look cool. Writing about something and rhyming those words were her ultimate goal. These poems were created so she can create better poems today.
Also, just know that a lot of these writings were about things that her younger self know nothing about; or perhaps, she thinks she knows about when she clearly do not. She thinks she got a nice perspective about life, but a lot of the poems she wrote says otherwise. There are poems or lines or stanzas here that the present version does not align with anymore, some perspectives that were no longer used.
She, indeed, is just a seed--a rising seed.
The dates were not well arranged.
(Tag-lish)
Plagiarism is a crime.