"Saksi ang Langit"ay isang makulay at masalimuot na kwento na nagaganap sa isang bayang malapit sa kabundukan, kung saan ang langit, na laging naroroon, ay tahimik na saksi sa mga lihim ng tao-mga saloobin na hindi kayang ipahayag, mga damdaming itinagong mabuti ng puso, at mga pagkakataong hindi na muling mababalik.
Ang kwento ay umiikot kay Seraphina, isang tahimik ngunit malikhaing estudyante ng Literatura na mas madalas makita sa ilalim ng puno, may hawak na notebook at panulat, tila sinusulat ang bawat hinga ng mundo. Samantalang si Jasper, isang masigla at abalang estudyante ng Arkitektura, ay puno ng enerhiya at ngiting kayang magpasaya ng kahit sino. Bagamat magkaibang-mundo sila, nagtagpo ang kanilang landas sa isang hindi inaasahang pagkakataon-isang ulan ng Hulyo sa ilalim ng isang sirang waiting shed.
Kasama nila sa kanilang paglalakbay si Freya, ang matapang at prangkang kaibigan ni Seraphina, na hindi kailanman natatakot magsalita ng katotohanan, at si Rhys, ang tahimik ngunit laging maaasahang kaibigan ni Jasper na may mga mata na puno ng mga lihim. Sama-sama nilang tinatahak ang landas ng pagkakaibigan, pag-ibig, at mga pangako na isinumpa sa ilalim ng ulan at sa ilalim ng bukas na kalangitan.
Ngunit gaya ng anumang kwento ng masalimuot na relasyon, hindi lahat ng bagay ay nananatiling magaan at masaya. Ang ilang usapan ay nagiging tahimik na, ang mga ngiti ay natatakpan ng luha, at kahit ang langit na tila laging saksi sa lahat, ay may mga pagkakataong wala itong magawa kundi ang manatiling tahimik at panoorin ang pagguho ng mga pangarap at relasyon.