First day of classes. Same old scene: students na nagmamadali, profs na mukhang badtrip agad, at mga freshmen na parang laging lost. Ako? Sanay na. Second year na ako sa BS Psych, and to be honest, wala naman akong balak mag-stand out. Tahimik lang ako, tipong "blend-in-with-the-background" kind of girl.
Well... hanggang sa araw na 'to.
"Kailan pa naging basketball court ang hallway?" inis kong bulong habang nakatayo ako sa gilid, bitbit ang tatlong makakapal na libro. Sobrang daming tao kasi, at lahat sila nakatingin sa isang direksyon. Curious ako, so sinilip ko.
Doon ko siya nakita.
Si Glen Monteverde.
Star player ng varsity. Gwapo, may killer smile, at oo... siya yung tipo ng lalaki na kahit hindi mo gustong pansinin, mapapansin mo. Like, hello, ang taas niya, ang lakas ng presence niya, at ang ingay ng mga babaeng sumisigaw ng pangalan niya.
Ako? Deadma. Hindi ako fan ng mga lalaking katulad niya. Alam kong walking disaster sila.
Pero syempre, universe had other plans.
"Uy, miss!" may tumama sa akin-basketball. Hindi ko namalayang ako pala ang tatamaan. Sabay may malakas na kamay na humawak sa braso ko para hindi ako matumba.
It was him.
Si Glen mismo.
"Sorry ah, muntik ka na," nakangiti niyang sabi, yung tipong ngiti na parang sanay na siyang patawarin kahit hindi mo siya kilala.
At doon, for the first time in my life, I realized...
Hindi pala madaling deadmahin ang isang Glen Monteverde.