Tredy Sales-simpleng college student, tahimik, at sanay lang sa life na may limitadong pera. Pero isang text, isang mysterious Black Card, at isang yaman na parang panaginip... nagbago ang lahat.
Sa isang gabi, pumasok siya sa Imperial Dragon Hotel, nakipagsabayan sa mga anak-mayaman, at unti-unti, natutunan niya na hindi lang pera ang magpapataas sa kanya-kundi ang mindset, strategy, at kung paano ipapakita ang sarili sa mundo.
Pero hindi lahat ng mata ay kaibigan. Habang lumalawak ang pangalan niya sa campus, dumarami rin ang inggit, intriga, at mga taong handang pabagsakin siya.
Mula sa simpleng estudyante na namumulot ng bote, hanggang sa batang billionaire na tahimik ngunit deadly sa larangan ng urban power game... paano haharapin ni Tredy ang mundo ng pera, respeto, at sekreto?
Cash, power, respect... alin ang tunay na kayamanan?