My Ruin is you ,Cassandra (solo book )
52 parts Ongoing MatureSi Cassandra Perez ay isang simpleng babae na may isang malaking pangarap: mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ang kahirapan ay tila walang katapusan sunod-sunod ang utang, at ang kanyang ama ay humihina sa probinsya, habang ang kanyang ina ay hirap pasiglahin ang maliit nilang negosyo.
Kaya nang may pagkakataon siyang maging bagong manager ng sikat na PPop group na UGNAY, hindi siya nag-atubili. Ang laki ng sweldo ay sagot sa pangarap niya... ngunit ang mundo ng showbiz ay hindi ganoon kadali.
Sa kanyang unang araw, nakilala niya ang isang miyembro ng grupo-gwapo, may morenong kutis, puti lang sa tamang lugar... at bading. Hindi niya ito pinansin. Isa lang ang layunin niya: pera para sa pamilya.
Ngunit ang trabaho niya ay puno ng intriga. Ang lider ng grupo ay kinaiinisan siya, at tila may lihim na galit dahil sa lalaking iniibig nito na may koneksyon kay Cassandra. Sa bawat araw, natutuklasan niya ang tensyon, tsismis, at hindi inaasahang emosyon.
Maaaring makuha ni Cassandra ang pangarap niyang seguridad para sa pamilya... ngunit sa kapalit ng gulo, lihim, at komplikadong relasyon, handa ba siyang harapin ang mundong puno ng pangarap at pagnanasa?