We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
Manifesting Success, Scholarship, and Her

Manifesting Success, Scholarship, and Her

  • WpView
    Reads 108
  • WpVote
    Votes 1
  • WpPart
    Parts 22
WpMetadataReadOngoing2h 16m
WpMetadataNoticeLast published Mon, Aug 3, 2026
WpInfo
Fiction
Romance
College and University
Highschool
Opposites Attract
Welcome to Clairvaux International School where brains aren't enough, dapat may pangalan ka rin. Para kay Joaquin, simpleng pangarap lang ang makapasok sa prestihiyosong paaralan ng mga anak ng politiko, artista, at mga paborito ng headlines. Pero sa mundong ito, hindi sapat ang grades dito sinusukat ka sa yaman, impluwensya, at secret connections. Galing siya sa public school, sanay sa simpleng buhay. Kaya't nang tumuntong siya sa Clairvaux, agad siyang itinuring na outsider. Outcast. Target. Isang hindi inaasahang pangyayari kung saan ay nakabangga ang isa sa mga pinakasikat at makapangyarihang estudyante sa paaralang iyon, si Jayden, ang President ng Student Council. Pero sa likod ng glam at power ng Clairvaux, may mga sikretong hindi dapat mabunyag. At baka si Joaquin, ang taong hindi nila inaasahang makakita sa lahat ng ito. What if behind the prestige and privilege... lies a dangerous game of trust and survival?
All Rights Reserved
#186
eliteschool
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • The Love We Can't Have
  • 𝙻𝚘𝚟𝚎 𝙰𝚋𝚘𝚟𝚎 𝙻𝚎𝚟𝚎𝚕
  • Classmate ko si Crush (Complete Version)
  • Run away, Let me stay (Completed)
  • Scarlet Lies : The Girl Behind the Mask
  • Flames Of Love
  • Unexpectedly Falling

"Jaze." Natigilan ako nang hindi ko inaasahang sundan ako ni Agatha. Hinihingal siya nang lingunin ko pero ang kamay niyang nakakapit sa dulo ng manggas ng uniform ko. Agad niyang tinanggal nang mapansin niya ang tingin ko ron. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili. Nararamdaman ko na ang basa sa mata ko nang ma-feel ko na naman ang gaan at ligtas sa presensya niya. Gusto kong ipakita na nasasaktan ako dahil sa bigat na dala dala ko. Pero nakakahiya pa rin. Nahihiya akong malaman niya na nanghihina na ako. Binigyan ko siya ng inis na tingin kahit na hindi iyon ang totoong gusto kong ipahatid. "Anong kailangan mo? Hindi pa ba sapat 'yung mga pamamahiyang ginawa niyo sa 'kin kanina? Ano pang balak mo? Na pati attention ng mga estudyante rito-makuha mo rin?" inis ko, pero lahat ng iyon ay imbento ko lang. Ayoko lang makita niyang nanlalambot ako kapag nakikita ko siya. "Lahat na lang inaagaw mo, pati ba naman 'yung pwesto ko sa buhay ng mga kaibigan ko kukunin mo. Mula nung makilala kita lahat ng swerte sa buhay ko nawala. Ikaw ang malas sa buhay ko, Agatha. Nagsisisi ako na dinala pa kita sa mundo ko." Tumalikod ako matapos kong sabihin ang bagay na napilitan akong gawin. Aalis na sana ako nang magsalita siya. "Ganon pala ang iniisip mo sa 'kin pero bakit kailangan mo pa akong paghintayin sa wala?" panimula niya. Batid kong ibig niyang sabihin, 'yung sinabi kong sasabihin ko ang problema ko kapag handa na ako. Napapikit ako at napatungo. Gusto kong humingi ng tawad pero hindi ko siya magawang harapin. "Naghintay ako dahil ang alam ko may aasahan ako, pero sana dapat naman noon mo pa sinabi 'yan. Para ako na ang umiwas, pwede rin akong lumayo." Huli para bawiin ang sinabi ko. Pinanood ko siyang maglakad palayo sa kung saan habang hindi matawaran konsensiyang bumalot sa akin. Sinadya ko 'yon kaya dapat kong pagsisihan. Ginawa ko 'yon dahil sanay ako. Sorry.

More details
WpActionLinkContent Guidelines