42 partes Concluida [COMPLETED]
Sa isla ng Savionar naninirahan ang mga nilalang na pinili ng Lilang Buwan upang maging tagapangalaga niya mula sa banta ng ibang nilalang.
Sila ang mga Avian. Ang mga Avian ay kakaibang nilalang na nasa katayuang tao at mayroong kakayahang makapagpalit-anyo bilang isang ibon-sa kahit anong klase man ito nahahanay. Ang mga ibon na kapares ng bawat Avian ay tinatawag na Ave.
Si Mario, sa mundo ng mga tao: labas at malayo sa isla, ay isa sa mga Avian. Napagtanto niya ito noong ika-labingwalong kaarawan niya.
Ngunit, mailalapat ba niya ang kanyang sarili sa hanay ng mga Avian gayong natatangi siya sa lahat? Paano siya makikibagay sa mga Avian kung sa simpleng pagkakaroon ng Ave ay wala siya?
Tunghayan at basahin nang buo ang kanyang mga pagdadaanang pagsubok, diskriminasyon, at kung paanong sa simpleng presensya niya ay nabago ang buhay ng ibang Avian sa isla.
(THE FIRST FIVE CHAPTERS ARE CONSIST OF INTRODUCTORY DETAILS, SO IT IS KINDA BORING READING THOSE, LOL. AFTER THOSE IS THE INITIATION OF MARIO'S ADVENTURE AT SAVIONAR. But, I still recommend to read those because they will serve as a guidance to specific terms, actions, events, and important people in the whole duration of the story.) #