19 parts Ongoing "The Anatomy of a Rivalry"
Prologue:
Sa bawat anatomy class, laging may dalawang estudyanteng hindi lang basta-basta nag-aaral.
Sila ang laging nauuna sa recitation, laging nag-uunahan sa top score, at laging pinagbabangga ng mga professor hindi dahil gusto, kundi dahil kitang-kita ang tension sa pagitan nila.
Si Prim Shuvee Everhart, a.k.a. Shuvs, ay kilala sa buong Medical Vitae University bilang "Ms. Almost." Almost perfect, almost top 1, almost the girl every parent would dream of kung hindi lang dahil kay Ralph Ridge Hollis.
Hindi niya kinaya na kahit ilang sleepless nights, ilang balik ng flashcards, at ilang kape sa 7-Eleven, si Ralph pa rin ang laging top.
Ralph Ridge Hollis - the untouchable. Tall, charming, dangerously smart, and annoyingly perfect.
May photographic memory at may natural flair sa lahat ng ginagawa niya, from anatomy dissection to OR simulations.
Kung may crown ang pagiging Top 1, sa kanya na nakasemento.
At oo, galit na galit si Shuvs sa kanya.
Well, not in a murder-him kind of way, pero yung tipong gusto mo lang siyang sabunutan minsan kasi effortless siyang nakukuha ang lahat ng pinaghihirapan mo.
Pero ngayong last year na nila sa Medical Vitae University, everything's about to change.
New professors, new rotations, new simulations and one big twist: a mandatory partnered research project.
And guess who got paired together?
Welcome to the most chaotic, kilig-filled, and anatomy-laden love story between two future doctors who hate (or maybe just misunderstand?) each other.
Because sometimes, ang tibok ng puso ay hindi lang dahil sa tachycardia, kundi dahil na rin sa isang academic rival na hindi mo inaasahang matututo kang mahalin.