Sa buhay natin ay may itinuturing tayong bestfriend. Yung taong alam lahat ng sikreto mo. Yung taong napagsasabihan mo ng problema mo. Yung taong magsasabe sayo na, "Wag ka mag-alala. Andito lang ako." Diba ang sarap ng ganoong feeling? Pero paano kung yung taong yun ay minamahal mo na pala. Paano kung yung nararamdaman mo para sakanya ay hindi bestfriend lang? Diba ang sakit? Lalo na't alam mo lahat pati na yung paglalandi niya. Diba napakaimposible isipin na baka pwede maging kayo? Pero paano kung isang araw ay mahalin ka din niya? At finally, ramdam mo na nangyayari na lahat ng pangarap mo kasama siya? Willing ka ba na bigyan kayo ng chance? O huli na ang lahat kase may ibang taong masasaktan pag sinunod mo ang sigaw ng puso mo. Ano ang uunahin mo? Ang pasayahin ang sarili mo knowing na may umaasa sayo? O ang pasayahin ang ibang tao kahit na ika'y nahihirapan? Ano nga ba ang tamang piliin? Mahal ko o mahal ako?