"What do you want to be when you grow up?" A question so simple, yet unbearably heavy for Soleia Amarisse Alondra, who has already seen how painful and blurry life can be.
Hindi niya man aminin, alam niya sa sarili na mahirap para sa katulad niya ang mangarap. Alam niyang maramot ang pagkakataon sa kanya at sa pamilya niya, at alam rin niyang hindi madaling makipagsapalaran kung malabo ang mundo para sa isang pamilyang gipit tulad nila.
Isa lang talaga ang gusto ni Soleia... sana may handang maging mabuti sa kaniya. Para sana mas maliwanagan siya. Para sana mas maging handa siyang sumagot--hindi 'yong tinatakasan o binabalewala ang mga tanong na kahit siya mismo... kating-kati nang hanapan ng sagot. Dahil sa lahat ng bagay, iisa lang ang malinaw sa kaniya... ang katotohanang malupit ang mundo sa mga gaya niya.
Pero sa hindi inaasahan, at sa pinaka-malabong pagkakataon ng buhay ni Soleia, may handa palang maging mabuti sa kanya... may handang yakapin ang lahat ng kakulangan niya. Nang dumating sa buhay niya ang isang lalaking handang tanggapin ang lahat ng iyon, ang lalaking handang ibahagi ang paniniwala niya, at ang lalaking sasamahan siya sa kwentuhang walang kasiguraduhan kung kailan matatapos--agad niyang inihanda ang sarili sa katotohanang gusto niyang manatili sa bisig nito at yakapin ang paniniwala nito sa totoong liwanag ng mundo.
Kahit pakiramdam pa ni Soleia, marumi siya. Kahit pakiramdam niya hindi siya karapat-dapat. Kahit pakiramdam niya hindi naman dapat.
Caelus is there, ready to hold her completely, to accept her flaws, her fears, and even the broken pieces she tries to hide. He's there to remind her that she is worthy, that she is enough, and that no matter what happens, she doesn't have to face the darkness alone.
But little did she know... Soleia was destined to embrace an even deeper darkness than the one she had faced before.
"THE STORY OF THE SECOND FLOOR OF THE UNIVERSITY"
Sa isang kilalang unibersidad na matagal nang naitatag, may isang lugar na bihirang napapansin-ang ikalawang palapag ng pinakamatandang gusali sa campus. Sa araw, isa lamang itong tahimik at lumaing bahagi ng paaralan, pero sa gabi... ibang kwento na ang umiiral.
Matagal nang usap-usapan ng mga estudyante at guro ang mga kababalaghang nangyayari roon. May mga nawawalang tunog ng yapak kahit walang taong naroon, mga bintanang biglang bumubukas kahit walang hangin, at mga ilaw na nagkikislapan kahit patay na ang kuryente. Ngunit ang mas nakakakilabot-may mga estudyanteng umakyat doon at hindi na muling nakita. Ang iba nama'y bumaba na may basang-uniform kahit walang ulan, namumutla, at tulala-parang may nakita silang hindi kayang ipaliwanag.
Pinagbabawal na ang pag-akyat sa ikalawang palapag, ngunit sa bawat henerasyon, may mga matitigas ang ulo-o sadyang curious-na sumusubok tuklasin ang misteryo. Ang hindi nila alam, ang lugar na iyon ay hindi basta lumang silid... ito ay isang bitag. Isang lugar kung saan naiipon ang matinding emosyon ng mga kaluluwang hindi matahimik-mga nawalan ng buhay, ng pag-asa, at ng pangarap sa mismong pader ng unibersidad na ito.
At ngayong muli, isang bagong grupo ng estudyante ang napapadpad malapit sa katotohanan. Sa paglalakad nila papunta sa ikalawang palapag, mararamdaman nila ang malamig na hangin, ang biglang pagbagsak ng katahimikan, at ang mga matang hindi nila nakikita-pero ramdam na ramdam.
Ito ang kwento ng mga lihim na hindi kayang tuldukan, ng katotohanang gustong itago, at ng isang lugar na dapat sana'y iniwan na sa lumipas na panahon.
Ito ang The Story of the Second Floor of the University.