Si Kael Montenegro, 23-years-old, ay may simpleng buhay, fourth-year Computer Science student sa isang sikat na university. Nagtatrabaho rin siya part-time sa computer shop ng pamilya ng kanyang best friend. Ang mga araw niya ay puno ng pagko-coding, pag-aayos ng computer, kape, at ang komportableng buhay.
Pero isang gabi, ang simpling mundo ni Kael ay biglang nagbago.
Natagpuan niya si Zeke Elliott Emanuele, 28-years-old. Si Zeke ay CEO ng isang malaking kompanya, ibang-iba kay Kael na mahinahon at inosente.
Dahil hindi nakapag-isip si Kael sa oras na yon. Dinala niya ang sugatang Zeke sa loob ng kanyang bahay, ginamot ang mga sugat nito nang dahan-dahan, pinalitan ng damit, at pinahiga niya ito sa kanyang nag-iisang kama.
Nang magising si Zeke, kinabahan si Kael at nagtanong agad. "Gutom ka ba? Okay ka lang ba? Anong pangalan mo?" tanong niya, na puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
Tumingin si Zeke kay Kael, at tinitigan ang anghel na mukha ni Kael. "A...hindi ko maalala ang pangalan ko," sagot ni Zeke, isang gawa-gawang amnesia para itago ang kanyang tunay na pagkatao at protektahan ang sarili at si Kael mula sa mga panganib.
At doon nagsimula ang kanilang hindi inaasahang kwento. Isang ordinaryong lalaki at isang makapangyarihang tao, pinagtagpo ng pagkakataon at isang kasinungalingan, at ang kanilang buhay ay hindi na mapaghihiwalay.
Hanggang kailan kaya maitatago ni Zeke ang katotohanan? Malalaman kaya ni Kael ang tunay na pagkatao ni Zeke?
•••
©All Rights Reserved Hasiamor 2025 All Rights Reserved
Read more