"A hundred photographs, a hundred silent confessions."
Tahimik at mapanood si Gael, laging nakatago sa likod ng kanyang Polaroid camera. Sa bawat field trip, bawat tawanan sa cafeteria, bawat ulan na bumabagsak sa hapon-lagi't laging si Sylvia ang nahuhuli sa lente. Hindi niya kailanman sinabi, pero bawat litrato ay isang lihim na pag-amin.
Pagkalipas ng ilang taon, muling nagtagpo ang kanilang landas. At sa pagitan ng mga lumang larawan at mga tanong na hindi maiiwasan, kailan kaya magkakakulay ang mga damdaming matagal nang nakulong sa puting frame ng isang Polaroid?