Story cover for MEMORIES OF YESTERDAY'S SCENERY  by Lucidemonstar
MEMORIES OF YESTERDAY'S SCENERY
  • WpView
    Reads 3
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
  • WpHistory
    Time 10m
  • WpView
    Reads 3
  • WpVote
    Votes 0
  • WpPart
    Parts 1
  • WpHistory
    Time 10m
Ongoing, First published Sep 15
Si Ivary ay mula sa isang mayamang pamilya, tanyag sa buong probinsya dahil sa kanilang malalawak na bukirin ng palay na parang yumayakap sa sinag ng araw. Mula sa kanyang pagkabata, nasanay na siya sa mga mararangyang bagay bilang nag-iisang anak ng kanyang mga magulang. May mga kaibigan siya pero kagaya niya ginagawang stress reliever ang pagpunta sa mga malls, paggastos ng kung ano-ano.

Habang si Christopher ay galing sa isang payak na pamilya na may payak na pamumuhay. Hindi katulad ni Ivary, ginagawa niyang stress reliever ang pagpunta sa bukid lalo na tuwing wala siyang klase madalas din siyang tumulong sa kanyang mga kamag-anak sa mga gawaing bukid kaya masasabi mo talaga na kahit simple lang ang kanilang buhay, makikita mo naman sa mga ngiti niya bukal sa kanyang kalooban ang mga ginagawa niya.

Si Ivary at Christopher, magkaiba man ang kinalakihan mundo ay unti-unti naman nilang matututunan ang kanilang mga pinagmulang-buhay sa kanilang magiging kaibigan na mauuwi sa higit pa sa pagkakaibigan. 

Magiging saksi sa kanila ang isang mayabong na puno ng Acacia na kung saan sila ay nagsumpaang hindi kailanman kakalimutan ang isa't-isa lalo at may isang lilisan sa kanila at ang isa ay maiiwan kasama ng Acacia-ng minsan nilang pinanumpaan.

"Babalik ka pa ba?" 

Sa pagbabalik ng lumisan, may magbabago kaya sa turingan nilang dalawa nung naiwan? O tuluyang magiging estranghero sa piling ng isa't-isa? 

TAGLISH | ROMANCE
All Rights Reserved
Sign up to add MEMORIES OF YESTERDAY'S SCENERY to your library and receive updates
or
#36farmlife
Content Guidelines
You may also like
Love At First Crush by PrincessJee
22 parts Complete
𝑇ℎ𝑖𝑠 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑦 𝑖𝑠 𝑎 𝑡𝑒𝑒𝑛𝑓𝑖𝑐, 𝑒𝑛𝑡𝑟𝑦 𝑓𝑜𝑟 𝐽𝑢𝑛𝑒 𝑊𝑟𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔 𝐶ℎ𝑎𝑙𝑙𝑒𝑛𝑔𝑒 𝑜𝑓 8𝐿𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟𝑠... {Blurb...} - Naramdaman mo na bang magkagusto sa isang lalaki? Ano naman ang pakiramdam? Kilig na kilig overload ba? Puno nang curiosity si Jesshanna tungkol sa bagay na ito. Palibhasa, since birth, hindi pa siya nakaramdam ng pagkagusto. Minsan ay nainggit pa siya sa kaibigan niyang may pinagpapantasyahan na lalaki. Kaya tamang panoonod nalang ang ferson at hinihiling na sana magkaroon rin siya ng Prince Charming. Hanggang sa isang araw ay hindi niya inaasahan na makilala ang bagong transferee sa section Rubia. Aba, isang titigan lang ay tumigil na agad ang buong mundo ng dalaga. Tabihan ka ba naman sa flag raising ceremony ng isang Earl Paul Enriquez Moon-Ang may lahing k-pop mula sa korea. Na nuknukan ng kagwapuhan at ka-hot. Idagdag pa ang nakakamatay na ngiti kapag ningitian ka niya siguradong mahihimatay ka sa kilig. Na crush siya sa lalaki. At hindi naman niya inaasahan na na-love at first sight naman pala ito sa kanya. Kaya, inspired na ang ferson. Hindi na maiinggit ang Desney Princess. Pero paano naman kung ang lalaking nagugustuhan niya ay ang magdadala sa kanya sa katotoohan tungkol sa pagkatao niya? Katotohanan na sana'y hindi nalang niya nalaman. At katotohanan na mag-iwan ng sakit sa kanyang puso. Magkakaroon pa kaya ng happy ever after ang lovestory sa lalaking first crush niya? O a happy never after nang malamang kapatid niya pala si Earl Paul. Date Written: June 01, 2024 Date Finished: July 15, 2024 ©Alright Reserved @Princess Jee
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) by Vilethornea
43 parts Complete
BNHS #1 Minsan, nahuhulog tayo sa dalawang puso. Ngunit bakit tila hindi pa rin matibag ang alaala ng unang pag-ibig? Siya ang unang nagpatibok ng puso, unang nagbigay ng ngiti at luha, unang nagturo kung paano magmahal at masaktan. Sa kanya natin naranasan ang mga "una"-ang ligaya, kilig, at sakit. Sa kanya natin unang naramdaman na tayo'y may halaga. Ngunit hindi lahat ng nagpapangiti ay nagmamahal. Hindi lahat ng titig ay totoo. Minsan, ang taong akala mong para sa'yo ay may hilig lamang sa paglalaro ng damdamin. Kaya kang pasayahin, pasiglahin, paniwalain na mahalaga ka-ngunit hindi pala ikaw ang pinili. Isang pagkukunwari. Hanggang pareho kayong nasaktan, parehong naging biktima ng isang lalaking hindi marunong makuntento. At dumating ang ikalawang pag-ibig. Marahan, tila lunas sa sugat ng nakaraan. Minahal mo siya-pero bakit may kulang pa rin? Sa bawat sulyap, hinahanap mo pa rin ang titig ng una. Sa bawat haplos, inaasam mo pa rin ang init ng dating damdamin. Hanggang mawala ang tiwala at respeto. At ang relasyon, sa halip na maging tahanan, ay naging tanikala. At sa oras na akala mong tapos na-siya ay muling babalik. Sa gitna ng katahimikan, muli siyang susulpot. Sa oras na natutunan mo nang mahalin ang bago, siya ay magpaparamdam. At ang puso mong pilit nang tumigil sa pagtibok para sa kanya-bigla na namang mabubuhay. Isang sulyap, isang salita, sapat na para balikan ang lahat. Sa ikatlong pagkakataon, ginulo ka na naman ng tadhana. Ayos ka na, handa ka nang mamuhay nang mag-isa, buo sa desisyong piliin ang sarili. Ngunit naroon siya, muling kumakatok. Nagpaparamdam. Umaasa. Kaya mo ba siyang tanggihan? Kaya mo bang talikuran ang pusong hindi mo kailanman lubusang nalimutan? Hanggang kailan mo kakayanin ang siklong paulit-ulit? At kung ang puso mo'y patuloy na tumitibok para sa kanya, may saysay pa bang ipilit ang paglimot?
My Highschool Husband  by alicaaaaa
8 parts Ongoing
Sa gitna ng pait ng nakaraan, kung saan ang alaala ng isang yumaong minamahal ay patuloy na nagluluksa, isang bagong pag-asa ang sumibol. Si Ashuri, isang amang naghahanap ng paghilom sa kanyang pusong sugatan, ay natagpuan ang kanyang sarili sa isang hindi inaasahang paglalakbay nang matuklasan niya ang isang babaeng kamukha ng kanyang yumaong asawa. Sa pagitan ng pag-asa at pangamba, sinundan niya ang landas na ito, kasama ang kanyang mga kaibigan na sina Alysa, Ian, Chul, Ji-hun, at Diether. Ngunit sa bawat hakbang, mas lalo silang nalilito sa katotohanan. Ang babaeng nagngangalang Yumeko Jabami, isang sikat na baker na may amnesia, ay nagdala ng mga bagong tanong at pagsubok sa kanilang buhay. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili silang matatag. Nagtulungan, nagmahalan, at nagsuportahan. Si Ashuri, sa kanyang papel bilang isang ama kay Alonzo, ay natutong muling magbigay ng pagmamahal. Si Alysa at Ian, sa kanilang pag-ibig sa isa't isa, ay natagpuan ang bagong kahulugan ng pamilya. Si Chul, sa kanyang musika, ay nagbahagi ng kanyang puso sa mundo. Si Ji-hun, sa kanyang negosyo, ay nagsumikap para sa kanyang mga pangarap. At si Diether, sa kanyang simpleng buhay, ay natutong maging kuntento. Ngunit ang kanilang paglalakbay ay hindi pa natatapos. Sa pagdating ng bagong pag-asa, ang pagbubuntis ni Alysa, mayroon pa ring mga tanong na naghihintay ng kasagutan. Sino ba talaga si Yumeko Jabami? Ano ang kanyang koneksyon kay Alicia? At paano nila haharapin ang mga pagsubok na darating? Sa isang mundo kung saan ang nakaraan at kasalukuyan ay nagtatagpo, ang pag-ibig at pagkawala ay naglalaban, at ang pag-asa ay patuloy na sumisibol, ang kanilang kwento ay isang paalala na sa kabila ng lahat, ang tunay na kahulugan ng pamilya ay ang pagmamahalan, pagtutulungan, at walang sawang suporta sa isa't isa.
Loving you is Unfair  by shining_teddy
9 parts Ongoing
Dumating ang araw na nagpapasaya at nagpapakaba sa isang estudyante. Sa araw na iyon, dumating ang isang lalaking nagpatibok ng puso ni Joy. Lumipas ang ilang araw, umamin si Marc na may gusto siya kay Joy. Sa kabilang banda, umamin din si Joy na may gusto rin siya kay Marc. Ngunit hindi pa handa si Joy na magkaroon ng kasintahan. Nilinaw naman ni Marc kay Joy na handa siyang maghintay, kahit abutin pa ng ilang taon, makuha lamang ang matamis na "oo" ni Joy. At sa paglipas ng ilang araw na pagiging MU (mutual understanding) nila, binigyan ni Marc ng promise ring si Joy bilang palatandaan na handa siyang maghintay. Nagtagal naman ng halos isang buwan ang kanilang pagiging MU. Ngunit sa paglipas ng mga araw, napansin ni Joy ang mga hindi kaaya-ayang kilos ni Marc. Hindi lang pala siya ang nakakapansin nito, dahil maging ang mga kaibigan niya ay nakakahalata na rin. Kaya napagdesisyunan ng magkakaibigan na subukan si Marc, para malaman kung may pag-asa bang tumagal ang namamagitan kina Joy at Marc. Ngunit sa hindi inaasahang rebelasyon, hindi maganda ang kinalabasan ng pagsubok nila kay Marc. Sa madaling salita, bumagsak si Marc sa pagsubok na ibinigay ni Joy at ng kanyang mga kaibigan. Paano kung ang pagkakakilala ni Joy at ni Marc ay magiging dahilan ng pagkasawi ni Joy? Paano kung dumating ang araw na masaktan at mawasak si Joy dahil kay Marc, ano kaya ang susunod na gagawin ng kanyang mga kaibigan? Paano makakabangon si Joy sa bangungot na binigay ni Marc? Paano niya gagamutin ang nagdurugo niyang puso? Abangan natin ang rebelasyong ito at kung paano bumagsak si Marc sa pagsubok na ibinigay sa kanya. Tunghayan natin kung paano nasaktan si Joy at kung paano napuno ng galit ang puso ng kanyang mga kaibigan. Sama-sama nating basahin ang istoryang ito na magpapadurog din sa ating damdamin.
You may also like
Slide 1 of 10
Waiting for You cover
Love At First Crush cover
UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1) cover
KAILANGAN (DESTINY SERIES #6) cover
BINAYARAN UPANG PAKASALAN ANG PILAY NA BILYONARYO-(COMPLETE) cover
My Highschool Husband  cover
Prescend cover
The Heir's Heart cover
His Children's Babysitter (Completed) cover
Loving you is Unfair  cover

Waiting for You

43 parts Complete Mature