Minsan, hindi lang puso ang nasasaktan-minsan, pati alaala.
Pagkatapos ng kolehiyo, akala ni Cassandra Claudine Montemayor ay magiging simple na ang lahat-bagong simula, bagong buhay, at bagong pag-ibig.
Pero paano kung ang bagong simula ay dala rin ang mga sugat ng kahapon?
Dalawang lalake ang minahal niya.
Sean Dela Vega - 'yung tipo ng pag-ibig na tahimik pero totoo, handang manatili kahit mahirap.
At Zayne Yoshida - 'yung pag-ibig na mabilis, matindi, at marupok gaya ng apoy.
Hanggang isang araw, pinili ng tadhana kung sino ang mananatili...
at kung sino ang mawawala.
Ngayon, si Cass ay naiwan sa pagitan ng alaala at realidad-buhay pa, pero dala ang bigat ng dalawang pusong minsang tumibok para sa kanya.
Dahil sa totoong buhay, hindi laging "forever" ang ending.
Minsan, may mamamatay.
At 'yung isa... matututong mabuhay kahit wasak na.