Nagmahal ka na ba? Pinangakuan ka na ba niya? Nangako ba siya sayo na may forever talaga? Umasa ka naman kaagad? Natupad ba naman niya? Idiot!! GISING!!! Akala mo lang yun! Edi ngayon iiyak-iyak ka diyan? Buti nga sayo! Ang hilig mo kasing umasa sa akala! Akala mo totoo na, yun pala hanggang pantasya na lang. Akala mo kayo na, yun pala imahinasyon mo lang. Akala mo ikaw lang, yun pala isa ka lang sa MGA nilalandi niya. Akala mo mahal ka na, yun pala kaibigan ka lang pala talaga. Nilandi ka lang kaagad, akala mo mahal ka na. Hard ba? Makulit ka kasi! Masyado kasi tayong nabubuhay sa akala. Para kasing forever yan. Madaming naniniwala dito lalo na yung relasyon niyo, pero napatunayan niyo na ba? Nagawa niyo na ba? Umaasa sa akala yun tuloy, sa huli wala kang napala. Masyado tayong nageexpect ng malaki kaya nasasaktan tayo ng sobra. Puro na lang kasi tayo akala! Go lang tayo ng go sa mga bagay. Hindi muna tayo naninigurado kung may mapapala ba?
11 parts