The Scarlet Testament

The Scarlet Testament

  • WpView
    MGA BUMASA 1,300
  • WpVote
    Mga Boto 449
  • WpPart
    Mga Parte 34
WpMetadataReadOngoing5h 12m
WpMetadataNoticeHuling na-publish Sat, Nov 29, 2025
Sa kalagitnaan ng pamamayagpag ng dakilang Shiloh ay muling mabubuhay ang isang matandang propesiya. Maririnig ang huling babala ng kalangitan - ngunit wala ni isa ang tumugon. Kaya't ang pagbagsak at paghihirap na hatol ng tadhana ay tuluyan ngang magaganap. Si Abrielle Aragon, o mas kilala bilang Hime, ay anak ng isang dakilang heneral. Walang alam sa karahasan o digmaan; pinalaki sa layaw, kayamanan, at sa pilosopiya ng sariling mundo. Bata pa lamang, itinakda na siyang sumunod sa trono ng Shiloh - ang magiging reyna ng isang bansang tinitingala ng marami. Ngunit sa isang iglap, guguho ang lahat. Ang pagpasok ng mga mananakop na magpapaikot sa politika at kalakalan ng Shiloh - ang tuluyang magpapabagsak sa trono. Babagsak ang mga haligi ng pamahalaan, ang relihiyon ay magiging sandata ng kasinungalingan, at ang kasakiman ang magiging bagong batas. Sa gitna ng pagtataksil at pagdurugo - ang pangalan ng Shiloh ay mauukit muli, hindi sa ginto, kundi sa abo. Maririnig ang iyak ng mga babaeng inabuso, ang sigaw ng mga sanggol na nawalay sa pamilya. Ang panaghoy at hinagpis ay babalot sa Shiloh; ang luha ng mga miserable ay babaha. Higit bang nakakatakot ang mga dayuhan, o ang galit at determinasyon ng mga taong nawalan ng lahat? Sino ang magbabangon mula sa abo ng Shiloh? Sino ang makakaalala sa huling pag-asa? At sino ang mananatiling tapat - kahit wala nang dapat paglingkuran? Sino ang tapat hanggang sa huli?
All Rights Reserved
#65
baroque
WpChevronRight
Sumali sa pinakamalaking komunidad ng pagkukuwentoMakakuha ng personalized na mga rekomendasyon ng kuwento, i-save ang iyong mga paborito sa iyong library, at magkomento at bumoto para lumago ang iyong komunidad.
Illustration

Magugustuhan mo rin ang

  • Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2)
  • ESTRANGHERO
  • My Father Obsession ( Step father)    Complete ✅
  • Luxcia Locrane [Journey to the Seven Kingdoms]
  • Bakit Nga Ba Mahal Kita? (Destiny Series#3)
  • MAGYAWEN: Forbidden Love
  • UNDER THE CITY LIGHTS(Bohol High Series #1)
  • The Echoes of Regrets (When We Were Juniors Series #1)
  • KAILANGAN (DESTINY SERIES #6)

"Sa sobrang pag mamahal ko sa'yo, hindi ko na namalayan na minamahal mo na pala ang ate ko." I have a long time crush since I was a kid. I'm Roselyn Allison Guanzon, middle child ako sa aming magkakapatid pero hindi ako nakakaramdam ng unfair treatment dahil hindi namin kasamahan sa bahay ang aming mga magulang. Ako ang nag aalaga sa bunso kong kapatid. Pinangarap ko noon na sana pansinin ako ng crush ko, at dumating na 'yung araw na nagkaroon kami ng komunikasyon. Si Eryan MCcallister Calayag, ang lalakeng matagal ko ng nagugustuhan. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam ko sa sarili ko na crush ko siya, hanggang sa lumipad ang mga araw, buwan at mga taon-na siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Noong una ay magkaibigan lang kami, hanggang sa nag tuloy-tuloy ang pag-uusap namin at nagkaroon kami ng relasyon. Maayos ang aming relasyon, walang loko-loko sa aming dalawa. Pareho naming pinipili na intindihin ang isa't isa. Pero kahit na anong ayos ng relasyon n'yo ay may sisira talaga. Nakita ko siya na may kahalikan na babae.

Karagdagang detalye
WpActionLinkMga Alituntunin ng Nilalaman