The Scarlet Testament [DISCONTINUED]

The Scarlet Testament [DISCONTINUED]

  • WpView
    Reads 1,479
  • WpVote
    Votes 450
  • WpPart
    Parts 34
WpMetadataReadOngoing5h 12m
WpMetadataNoticeLast published Sat, Nov 29, 2025
Sa kalagitnaan ng pamamayagpag ng dakilang Shiloh ay muling mabubuhay ang isang matandang propesiya. Maririnig ang huling babala ng kalangitan - ngunit wala ni isa ang tumugon. Kaya't ang pagbagsak at paghihirap na hatol ng tadhana ay tuluyan ngang magaganap. Si Abrielle Aragon, o mas kilala bilang Hime, ay anak ng isang dakilang heneral. Walang alam sa karahasan o digmaan; pinalaki sa layaw, kayamanan, at sa pilosopiya ng sariling mundo. Bata pa lamang, itinakda na siyang sumunod sa trono ng Shiloh - ang magiging reyna ng isang bansang tinitingala ng marami. Ngunit sa isang iglap, guguho ang lahat. Ang pagpasok ng mga mananakop na magpapaikot sa politika at kalakalan ng Shiloh - ang tuluyang magpapabagsak sa trono. Babagsak ang mga haligi ng pamahalaan, ang relihiyon ay magiging sandata ng kasinungalingan, at ang kasakiman ang magiging bagong batas. Sa gitna ng pagtataksil at pagdurugo - ang pangalan ng Shiloh ay mauukit muli, hindi sa ginto, kundi sa abo. Maririnig ang iyak ng mga babaeng inabuso, ang sigaw ng mga sanggol na nawalay sa pamilya. Ang panaghoy at hinagpis ay babalot sa Shiloh; ang luha ng mga miserable ay babaha. Higit bang nakakatakot ang mga dayuhan, o ang galit at determinasyon ng mga taong nawalan ng lahat? Sino ang magbabangon mula sa abo ng Shiloh? Sino ang makakaalala sa huling pag-asa? At sino ang mananatiling tapat - kahit wala nang dapat paglingkuran? Sino ang tapat hanggang sa huli?
All Rights Reserved
#72
baroque
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • Reign of the Reincarnated Princess
  • Bakit Nga Ba Mahal Kita? (Destiny Series#3)
  • KAILANGAN (DESTINY SERIES #6)
  • LA LUNA SANGRE (The Blood Moon)
  • Chasing what you lost, Love take 2 (WHEN WE WERE JUNIORS SERIES #2)
  • Maid To Be His (Under Revision)
  • ESTRANGHERO
  • SANGHAYA: Elemental Chronicles I
  • BOOK 1: AUREN VALTAROS

Isang Mafia Queen sa modern world ang namatay sa isang matinding betrayal ng kaniyang mga tauhan. Sa huling sandali ng kaniyang buhay, ang galit at panata niya na "Hindi ako mawawala nang walang laban" ang naging dahilan para siya ay ma-reincarnate. Nagising siya bilang bagong silang na prinsesa sa isang kaharian na puno ng hiwaga at kapangyarihan. Ngunit, ang kaniyang ina (reyna) ay namatay nang siya ay ipanganak, kaya't sinisisi siya ng hari na kanyang ama. Habang lumalaki, tinatago niya ang kaniyang tunay na pagkatao bilang dating Mafia Queen, pero dala pa rin niya ang utak ng isang mandirigma at pinuno. Hindi lang iyon-nadiskubre niyang taglay niya ang bihirang kapangyarihan ng apoy at dilim, na kinatatakutan at pinagnanasaan ng mga tao sa kaharian. Ang misyon niya ngayon: Patunayan na karapat-dapat siya mabuhay kahit ayaw sa kaniya ng hari. Protektahan ang kaharian mula sa mga kalabang may masamang balak. Alamin ang lihim ng kaniyang kapanganakan-bakit siya nagkaroon ng ganoong kapangyarihan. At sa dulo... baka kailangan niyang pumili kung magiging isang tunay na prinsesa ba siya, o babalik sa pagiging ruthless na Mafia Queen sa bagong mundo.

More details
WpActionLinkContent Guidelines