| Isang koleksyon ng mga tulang isinulat sa gitna ng pagkalito, pagbitaw, at pagbangon. Bawat pahina ay hakbang-minsan mabagal, minsan masakit, minsan marupok-pero laging totoo. |
Sa mga mata ng isang makata, ang damdamin ay hindi basta nararamdaman-ito'y isinusulat, isinisigaw sa katahimikan, at binubuo sa bawat taludtod. Pag-usad ay hindi lang kwento ng pag-ibig, kundi ng sarili: kung paanong ang puso ay natuto, nasaktan, nagtanong, naghintay, at sa huli, piniling magpatuloy.
Ang mga tula sa chapbook na ito ay isinulat sa magkakaibang panahon, ngunit iisa ang tinig-tinig ng pusong lumalaban, kahit pa minsan gusto nang sumuko. Mula sa Tanong hanggang sa Pagbangon, mula sa Pagkahumaling hanggang sa Pakiusap, bawat salita ay salamin ng damdaming hindi kayang itago.
Hindi pa ito tapos. Bukas pa rin ang pahina. Dahil ang pag-usad ay hindi linear-ito'y tuloy-tuloy, paikut-ikot, pero palaging umaasa